Thursday, 24 November 2016

Ed Juan's Blog

Palátuldikan

Diacritical marks on all accented vowels are explored to help readers and poets properly pronounce and spell the Tagalog words, thereby enhancing their knowledge of the Philippines National Language.

Classic Tagalog Words

Links are introduced to put meanings on all classic Tagalog words that may or may not be in use or spoken today. Furthermore, audio is included as a guide for proper word pronunciation.

Páunáng Tulâ

Karúgtong (continuation).


V:

Florante At Laura, ay dakiláng kathâ,
nitóng si Balagtás, pantás na makatà,
kanyáng tagubilin, sa maglálathala,
ang tunay na berso, sana'y huwág mawalâ.


Mga Kawíng at Kahulugán (Links and Meaning):

dakiláng mulâ sa ugát ng salitáng dakilà ; marangál, marangyá, maharlika, mataás na tao (great, distinguished, notable, noble, dignified).
kathâ – kínathâ; gawâ, ginawâ; likhâ, nilikhâ; akdâ, sanaysay (accomplishment, work done, composed, written, literary composition, writings).
pantás - pahám, marunóng, matálino, malawak ang káalaman (intelligent, clever, smart, wise, scholar, philosopher).
makatà - manúnula (poet, person who writes poems/poetry).
berso - bersikulo, tulâ; nagtútugma ang mga tunóg ng salitâ sa dúlo ng mga taludtód ó talatà (verse, literature in metrical form, metrical rhythm arrangement, having a rhyme arrangement, a line of metrical text, poetic form).

Pakátandaán:
Ang bigkás at kahúlugán ng mga salitáng Tagalog ay nagbábago at umáalinsunod sa ginágamit na tuldík (the pronunciation and meaning of the Tagalog words tend to change depending on the accent of the vowels). Ang salitáng "makatà" na ginamit sa itaás ay hindî dapat ipágkamalî sa sumúsunód na salitâ:
mákatâ - katâ, mákatás (succulent, juicy).


VI:

Pusò’y nábalanî, sa magandang tulâ,
tulad ng bighanì, sa isáng diwatâ,
ng mapágaralan, ang tángi n'yáng gawâ,
binalík-balíkan, mulâ sa simulâ.


Mga Kawíng at Kahulugán (Links and Meaning):

nábalanî mulâ sa ugát ng salitáng balanî ; bighanî, nábighanî; akit, náakit; gayumà, nágayumà (attracted, enticed, seduced, mesmerized).
bighanì - nábighanì; balanì, nábalanì; akit, náakit; gayumà, nágayumà (to charm, to seduce, mesmerize, attract, allure).
gawâ - ginawâ, nagawâ; kathâ, akdâ, likhâ, sanaysay (accomplish, accomplishment, work, work done, composed, written, literary composition/writings).
mulâ - simulâ, nagsímulâ, pinágsimulán; gáling, nánggáling, pinánggálingan; umpisá, nágumpisá, pinágumpisá; (beginning, starting point, came from, originated from).
simulâ - múmulán, pinágmulán; nagsímulâ, pinágsimulán; gáling, nánggáling, pinánggálingan; umpisá, nágumpisá, pinágumpisá; (beginning, starting point, came from, originated from).


VII:

Mga talinghaga, na kanyáng kínathâ,
lalim ng tagalog, sadyáng mahiwagà,
kayâ sinikap kong, mabigyán ng diwâ,
nilagyán ng kawíng, ang ibáng salitâ.


Mga Kawíng at Kahulugán (Links and Meaning):

talinghaga - parábula, malalim na tagalog (parable, like Shakespearean English).
kínathâ mulâ sa ugát ng salitáng kathâ ; ginawâ; nilikhâ; akdâ; sanaysay (accomplishment, work done, composed, written, literary composition, writings).
mahiwagà mulâ sa ugát ng salitáng hiwaga ; kabábalaghán; kátakátaká (mysterious, inexplicable, magical, marvelous, amazing, astonishing).
diwâ - layon, kahulugán, kabuluhan, kaisipan, ideya (sense, thought, essence, meaning, significance, idea).
kawíng - kabít; tandáng letra; ugnáy; kádena; taníkalá (link, hyperlink, chain, attach, fasten, connect, to cling to).
salitâ - wika, itó ang bumúbuo sa pangúngusap; bigkas, diksyon [word, text, phrase, saying, diction].


VIII:

Pinág-gugulan din, ng konting panahón,
na mapág-aralan, kanyáng nilálayon,
at sa págbabasá, ay bigláng nágumon,
dî na matutuhan, kung pa'nong áahon.


Mga Kawíng at Kahulugán (Links and Meaning):

Pinág-gugulan mulâ sa ugát ng salitáng gugol , ginugol; gastá, ginástá; gástos, ginástos (spend, spent, have spent, to spend time, expense, expenditure, cost).
nilálayon mulâ sa ugát ng salitáng layon ; nais, ninánais; hangád, hináhangád; balak, binábalak; gustó, ginúgustó, adhíkâ (desire, wish, want, aspiration).
nágumon mulâ sa ugát ng salitáng gúmon ; lugmok, nálugmok; tumbâ, natumbâ; timbwang, nátimbwang; handusáy, náhandusáy; bulagtâ, nábulagtâ, bumúlagtâ; lupáypay, nálupáypay; lugamì, nálugamì; buwál, nábuwál; lubák, nálubák; tampisáw, nátampisáw; balahó, nábalahó (fallen, fell down, downed, helplessly prostrate, collapsed, addicted to, being a slave to, wallow, rolling in the deep).
áahon mulâ sa ugát ng salitáng ahon , pág-ahon, umahon; akyát, pág-akyát, umakyát; lunsád, pág-lunsád, lúmunsád; sampá, pág-sampá, súmampá (ascent, disembarkation, get out of the water, relief from hardships).

Thursday, 17 November 2016

Ed Juan's Blog

Palátuldikan

Diacritical marks on all accented vowels are explored to help readers and poets properly pronounce and spell the Tagalog words, thereby enhancing their knowledge of the Philippines National Language.

Classic Tagalog Words

Links are introduced to put meanings on all classic Tagalog words that may or may not be in use or spoken today. Furthermore, audio is included as a guide for proper word pronunciation.

Páunáng Tulâ

Galúgarin natin ang bawat talata ng tulâ (let's explore each paragraph of the poem).


I:
Inyóng abáng lingkód, na nangibáng bayan,
sa baryo ng Sibul, duón isinilang,
sakóp ng San Miguel, maliít na bayan,
hilagang Maynila, probinsya'y Bulacán.


Mga Kawíng at Kahulugán (Links and Meaning):

abáng - mulâ sa ugát ng salitáng abâ - dukhâ, pobre, mahirap, mapágpakumbabâ, waláng angkíng kayabangan (poor, humble, wretched).
lingkód – alila, katulong, utusán, (servant, maid, slave, helper).
Sibul Springs - baryo ng San Miguel, labíng apat na kilometró ang layo mulâ sa kabáyanán pa hilagang silangán at mga sampúng kilometro namán ang layo mulâ sa baryo ng Camias patungóng silangan (a barrio 14 kilometers northeast of the town proper of San Miguel and 10 kilometers to the east of barrio Camias in Bulacan, Philippines).
Camias - isang baryo sa hilaga ng San Miguel, Bulacan, Philippines (a barrio north of San Miguel, Bulacan, Philippines).
San Miguel - bayan sa Bulacan, Philippines, makalàgpás ng San Ildefonso patungóng hilaga (a town situated right after San Ildefonso heading north in Bulacan, Philippines).
San Ildefonso - isa pa ring bayan sa Bulacan, Philippines na nasa hilagang Maynila (another town in Bulacan, Philippines north of Manila).
Maynila - kabisera ó punonglúnsod ng bansang Pilipinas (capital city of the Philippines).
Bulacán - probinsya ng Pilipinás sa dakong hilaga ng Maynila (a province located north of Manila, Philippines).

Pakátandaán: Ang bigkás at kahúlugán ng mga salitáng Tagalog ay nagbábago at umáalinsunod sa ginágamit na tuldík (the pronunciation and meaning of the Tagalog words tend to change depending on the accent of the vowels). Ang salitáng abâ na may tuldik na maragsâ ay nagbábago at nagíging mabilís kapág ang hulíng pantíg ay nagtátapós sa katinig, i.e., "abáng" at hindî dapat ipágkamalî sa mga sumúsunód na salitâ:
abá - gulat ó pagkágulat (an expression similar to gosh or golly; exclamation of surprise or admiration; wow, whoa, an interjection).
abáng - hintáy, ántabáy (wait, watch, hold off, act of waiting or watching).


II:
Muláng mágkaisip, gustó ang tumulâ,
mágbasá ng aklát, ng mga makatà,
sa mga fiestahan, duó’y namámanghá,
tuláng naríriníg, isinásadiwâ.


Mga Kawíng at Kahulugán (Links and Meaning):

gustó - hilig, kíling, akit (captivated, liked, attracted, interested).
mágbasá (pándiwâ) - mulâ sa ugát ng salitáng basa [read, peruse (verb)].
makatà - manúnula (poet, person who writes poems/poetry).
fiestahan - mulâ sa ugát ng salitáng fiesta - piyesta, pistá, págdirìwáng, kasáyahan (feast, festivities, religious festival, festive occasion).
isinásadiwâ - mulâ sa ugát ng salitáng diwâ - isinásaulò; isinásaisip; isinásalarawan (memorize, remember, recall, recollect).

Pakátandaán: Ang bigkás at kahúlugán ng mga salitáng Tagalog ay nagbábago at umáalinsunod sa ginágamit na tuldík (the pronunciation and meaning of the Tagalog words tend to change depending on the accent of the vowels).
Ang malumay na salitáng basa ay nagíging mabilís ang bigkás at nagkákaroon ng tuldik, i.e., "mágbasá" at hindî dapat ipágkamalî sa sumúsunód na salitâ:
basâ (pang-urì) - wet, damp, humid (adjective).


III:
Sapúl pagkabatà'y, hilig na ang duplô,
sa mga lamayán, laging nanggúguló,
áakyát sa punò, saká isásaló,
kahit anóng bagay, pumasok sa ulô.


Mga Kawíng at Kahulugán (Links and Meaning):

hilig - kíling, akit, gustó (captivated, liked, attracted, interested).
duplô - balagtasan, paligsahan ng mga makatà ó manúnula, paligsahan sa págtulâ (poetic competition/joust/spur, poetical debate, poetical game or contest, a debate by means of reciting poetic verses).
Dúpluhan ay usò ng decada ’60 sa lamayán sa mga patáy (now renamed to "Balagtasan" in honor of Francisco “Balagtas” Baltazar).
lamayán - mulâ sa ugát ng salitáng lamay - puyát, mágpuyát, págpuyatán (wake, vigil).
áakyát - mulâ sa ugát ng salitáng akyát - (climb, ascent, rise).
isásaló - mulâ sa ugát ng salitáng saló - sambót (catch).


IV:
At sa balagtasan, programa sa radyo,
may mga nagisnan, na nagíng ídoló,
Ofelia Angeles, Antonio Reymundo,
ang pagsásaguta’y, isinásaulò.


Mga Kawíng at Kahulugán (Links and Meaning):

balagtasan - duplô, paligsahan ng mga makatà ó manúnula, paligsahan sa págtulâ (poetic competition/joust/spur, poetical debate, poetical game or contest, a debate by means of reciting poetic verses).
Ofelia Angeles - Reyna ng balagtasan (Queen of poetical debate, 1960’s).
Antonio Reymundo – Harì ng balagtasan (King of poetical debate, 1960’s).
isinásaulò - mulâ sa ugát ng salitáng ulo - isinásadiwâ; isinásaisip; isinásalarawan (memorize, remember, recall, recollect).

Wednesday, 16 November 2016

Palátuldikan (Diacritical Marks) - gabáy sa marapat na págbigkás at págbaybáy sa mga salitáng Tagalog (a guide for proper pronunciation and spelling of the Tagalog words).

Malumay - waláng tuldík ang mga patinig at kaílangang maríin ang págbigkás sa ikálawáng pantíg buhat sa hulihán ng salitâ (stress on penultimate syllable of the word is a must), i.e., dalaga (lady), subalit (but), tahimik (quiet).

Malumì - may tuldík na paiwà (`) at kinákaílangang maríin ang págbigkás sa ikálawáng pantíg buhat sa hulihán at paimpít ang tunóg sa hulíng patinig ng salitâ (it is necessary to put stress on the pronunciation of the penultimate syllable and with a glottal stop at the end of the word), i.e., batà (child), babà (chin), luhà (tears).
Itó ay laging nagtátapós sa patinig subalit iní-áalís ó pinápalitán ang tuldík kapág nagtátapos sa katinig, i.e., labì, labing manipís (lip, thin lip); lagì, laging máaga (always, always early); pawì, pawíin (wipe - noun and passive verb).

Mabilís - may tuldík na pahilís (´) at kinákaílangang maríin ang págbigkás sa hulíng patinig ng salitâ (it is necessary to put stress on the pronunciation of the final syllable of the word), i.e., isá (one), malakí (bog), bulaklák (flower).

Maragsâ - may tuldík na maragsâ (ˆ) at kinákaílangang maríin ang págbigkás at may paimpít na tunóg sa huling patinig ng salitâ (stress on the final syllable and a glottal stop at the end of the word is a must), i.e., sampû (ten), butikî (lizard), salitâ (word).
Ang salitáng maragsâ ay laging nagtátapós sa patinig subalit iní-áalís ó pinápalitán ang tuldík kapág nagtátapos sa katinig, i.e., susô, susóng Hapón (snail, Japanese snail); sampû, sampúng beses (ten, ten times).

Mga Karagdagan (More Information):
1. Lahát ng salitáng may maríing bigkás sa pantíg máliban sa hulihán ó ikálawa mulâ sa huliháng pantíg ay nilálagyan ng tuldík pahilís (any stressed syllables other than the penultimate and final syllables are indicated by an acute accent, i.e., sásama, páaralán, naglíliwalíw).

2. Ang impít na bigkás sa hulíng patinig ng mga salitáng malumì at maragsâ ay dahil sa pángsámantaláng págtigil sa huliháng bahagì ng pangúngusap. Kung waláng pángsamántaláng pághintô, ang impít ay pinápalitán ng mahabang bigkás sa hulíng patinig ng salitâ (The final glottal stop of malumì and maragsâ words occurs before a pause, such as at the end of a sentence. When not followed by a pause, the final glottal stop is replaced by vowel elongation).

3. Ang maríin ó pináhabang bigkás sa patinig sa huliháng pantíg ng mga salitáng mabilís at maragsâ ay hindî kinákailangan kung ang nagsásalitâ ay pángsámantaláng tumítigil sa págbigkás ng salitâ. Kung waláng pángsámantaláng pághintó sa mga salitáng mabilís, ang pináhabang bigkás sa patinig ay hindî na kinákailangan. Ang págpapáhabang bigkás sa patinig ng mga salitang maragsâ ay kinákailangan dahil itó ang pumápalít sa páimpít na bigkás sa hulíng pantíg ng salitâ (The stress on, or vowel elongation in, the final syllable of mabilís and maragsâ words is optional when followed by a pause. When not followed by a pause, there is no vowel elongation in the final syllable of mabilís words. In the case of maragsâ words, there is always a final vowel elongation, since it replaces the final glottal stop).

  • Click here for more info on Diacritical Marks